Lindol na tumama sa Cabangan, Zambales itinaas ng Phivolcs sa magnitude 4

Itinaas ng Phivolcs sa magnitude 4.0 ang tumamang lindol sa Cabangan, Zambales Huwebes (Jan. 9) ng gabi.

Unang sinabi ng Phivolcs na magnitude 3.4 ang naturang pagyanig na naitala sa 28 kilometers southwest ng Cabangan.

Naganap ang pagyaniy alas 10:16 ng gabi.

May lalim na 25 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Naitala ang Intensity II sa San Antonio at Cabangan, Zambales.

Habang Intensity I naman sa Iba at Botolan, Zambales.

Read more...