Mandatory repatriation ng mga Pinoy sa Iran tuloy ayon sa Malakanyang

Nananatili ang pasya ng pamahalaan na ilikas ang mga Filipino sa Iraq.

Ito ay sa kabila ng tila paghupa ng sitwasyon sa pagitan ng Estados Unidos at ng Iran.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa ngayon hindi pa nababago ang pasya ng gobyerno at tuloy ang mandatory repatriation sa mga Pinoy sa Iraq.

Sinabi ni Nograles na gagamitin ang lahat ng asset ng gobyerno para mauwi ang mga OFW.

Kung kinakailangan aniya ay gagamit ang pamahalaan ng chartered vessel.

Read more...