Sa anim na pahinang petisyon ng grupong ACTO, ALTODAP, FEDJODAP, LTOP, at Pasang Masda, P12 ang hinihingi nilang pamasahe para sa unang apat na kilometro at P2 dagdag sa kada kilometro sa Metro Manila.
Hinihingi din ng mga ito na ibalik sa sampung piso ang minimum na pasahe na siyam na piso habang dinidinig ang kanilang petisyon na itaas sa dose pesos ang minimum na pasahe.
Matatandaan na noong December 3, 2018, nagpalabas ng resolusyon ang LTFRB para sa provisional reduction ng pasahe matapos na bumaba ang presyo ng diesel.
Sa kasalukuyan anila, nasa P40 hanggang P45 ang kada litro ng diesel na posible pa raw sumipa ang presyo dahil sa namumuong gulo sa gitnang silangan maliban pa sa ipapataw na excise tax ng gobyerno.
hindi pa kasama dito ang mataas na presyo ng mga pyesa gaya ng engine oil, clutch lining, hyrovac, steering pump, gulong at baterya.