Ito’y para maiwasang tumaas ang inflation kasunod ng naitalang 2.5 percent inflation rate noong Disyembre.
Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, kung makaapekto ang frost sa ani ng mga gulay sa Baguio at Cordillera, dapat may back-up na agad mapagkukunan ng gulay sa ibang lugar.
Mainam aniyang lalong maipursige ang urban farming at hydroponics sa Metro Manila at ibang urban centers.
Para sa Bicol at Mindoro na madalas tamaan ng bagyo at mataas ang transport cost ng pagkaing nagmumula sa Metro Manila, inirekomenda ni Garbin na magkaroon din ng alternatibong mas malapit na sources ng food supply gaya ng Batangas o Panay.
At para mapababa naman ang halaga ng pagbibiyahe, dapat anyang kumilos ang kaukulang mga ahensya para mabawasan o tuluyang alisin ang administrative fees sa mga pantalan at tollways para maibsan ang epekto ng dagdag na buwis sa langis.