Sa forum ng National Press Club, inihayag ng dating senador na nakasunod na sila ni VP Leni sa kautusan ng Supreme Court, tumatayong Presidential Electoral Tribunal na dumidinig sa election protest, na maghain ng comment and memorandum sa resulta ng revision and recount noong Disyembre 2019.
Nakasaad aniya sa prayer ni VP Leni sa kanyang Memorandum na payag na siya na maghain ng ebidensiya si Marcos hinggil sa alegasyon ng dayaan noong 2016 vice presidential race.
Ngunit tumanggi na ang dating senador na magbigay ng karagdagang komento dahil sa maaari na namang malabag ang subjudice rule at posibleng mapagmulta na naman ng electoral tribunal.
Kung noon pa aniya pumayag ang kampo ni Robredo na maghain siya ng mga ebidensiya ay mas mabilis sana ang naging proseso ng PET.
Samantala, nilinaw ni Marcos na kahit hindi pa nalulutas ang petisyon niya sa PET ay ikinukunsidera niya na ang paglahok sa 2022 national election.
Hindi niya tinukoy kung anong posisyon ang kanyang sasalihan, ngunit ngayon pa lamang aniya ay patuloy ang kanyang paglilibot sa iba’t ibang probinsiya.