Carlos “The Great Difference Loyzaga” pumanaw na sa edad na 85

Pumanaw na si basketball legend Carlos “The Great Difference” Loyzaga.

Sa post sa official twitter account ng Philippine Basketball Association (PBA) na @pbaconnect, kinumpirma ang pagpanaw ni Loyzaga. “Our deepest condolences to the family of Mr. Carlos “The Great Difference” Loyzaga. May he rest in His peace,” nakasaad sa twitter post.

Wala pang inilalabas na detalye ang pamilya ni Loyzaga hinggil sa detalye ng pagpanaw ng basketball legend.

Si Loyzaga ay naging tanyag na basketball player at coach noong dekada 50 at 60.

Naging two-time Olympian din si Loyzaga noong taong 1952 at 1956.

Malaki ang naging ambag niya sa Philippine Men’s Basketball Team noon para apat na beses makapag-uwi ng gintong medalya sa Asian Games at dalawang panalo sa FIBA Asia Championships.

Si Caloy Loyzaga ay ama nina Basketball players Chito at Joey Loyzaga at ng aktres na sina Bing at Teresa.

Read more...