3 arestado sa buy-bust sa Mandaue City Cebu

Tatlong hinihinalang drug dealers ang inaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Mandaue City, Cebu.

Ikinasa ang operasyon alas 3:00 ng madaling araw ng Biyernes, Jan. 10 sa Barangay Banilad.

Ayon kay Police Lt. Troy John Lalamunan, hepe ng Casuntingan Police Station, ang mga suspek ay kinilalang sina Ronelio Luzon, 29; Rember Ybañez, 45 at Eduardo Rizarre, 51 anyos.

Pawang residente ng Barangay Tinago sa Cebu City ang tatlo.

Aabot sa P34,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek.

Read more...