Caluya, Antique niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Caluya sa lalawigan ng Antique.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 23 kilometers northwest ng Caluya, alas 7:42 ng umaga ng Biyernes, Jan. 10.

1 kilometer lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Malay, Aklan bunsod ng pagyanig.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...