330 na toneladang basura nahakot sa kasagsagan ng Traslacion

Umabot sa 68 truck ng basura ang nahakot ng Department of Public Services ng Maynila sa kasagsagan ng Traslacion.

Ayon sa Manila Public Information office, katumbas ito ng 330 na toneladang mga basura.

Patuloy pa ang paglilinis ngayong araw ng mga tauhan ng Manila DPS at MMDA sa palibot ng Quiapo, Maynila/

Bagaman napakaraming basurang nahakot, sinabi ng Manila PIO na nabawasan pa ang nakulektang kalat ngayong taon kumpara noong Traslacion 2019.

Noong nakaraang taon kasi, 99 na truck ng basura ang nahakot o 387.4 na tonelada ng basura sa kasagsagan ng Traslacion.

Read more...