Mga sugatang sundalo, HIV patients, bibisitahin ni Miss Universe Pia Wurtzbach

Pia5Bibisitahin ngayong araw ni reigning Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach ang mga sugatang bayaning sundalo at mga pasyenteng mayroong HIV/AIDS (Human Immune Deficiency/Acquired Immune Deficiency Syndrome) sa AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City.

Ayon kay Col. Joseph Acosta, Commanding Officer ng AFP Medical Center, mamayang hapon magtutungo sa nasabing pagamutan si Wurtzbach.

Ang AFP Medical Center ay ekslusibong pagamutan para sa mga sundalo at kanilang mga dependents.

Si Wurtzbach ay sasamahan ni AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri sa pagbisita nito sa mga pasyente sa nasabing ospital.

Ayon kay Acosta tiyak na makatataas ng moral ng mga sugatang sundalo ang gagawing pagbisita ni Wurtzbach.

Read more...