Water level ng Angat dam nadagdagan sa magdamag

Muling nadagdagan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, Jan. 10 ay nasa 204.51 meters ang water level ng dam.

Nadagdagan din ang water level ng Ipo dam at nasa 101.10 meters na.

Habang bahagya naman nabawasan ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.74 meters.

Samantala, nadagdagan din ang iba pang dam sa Luzon gaya ng Ambuklao, Binga, at Caliraya dams.

Habang nabawasan naman ang water level ng San Roque at Magat dams.

Read more...