13 Pinay nasagip sa KTV bar na ginagawang prostitution den sa Makati

Nasagip ang labingtatlong Pinay sa isang KTV Bar sa Makati City na ginagamit din bilang prostitution den.

Ang KTV Bar ay nasa tuktok na bahagi ng Makati Palace Hotel sa Barangay Poblacion.

Ayon sa Makati City Police, inaresto ang may-ari ng KTV at dalawang manager ng pasilidad.

Bago ang pagsalakay ay nakatanggap ng impormasyon ang Makati Police na ginagawang prostitution den ang KTV bar.

Ibinubugaw umano ang mga Pinay sa mga customer na Chinese.

 

Read more...