Preso sinaksak ng kapwa preso dahil sa bola sa Nueva Vizcaya

Nasawi ang isang 21-anyos na inmate nang saksakin ng kapwa-preso matapos silang magkainitan sa loob ng Nueva Vizcaya Provincial Jail sa bayan ng Bayombong, araw ng Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alvin Buscas, residente ng District 4 sa Bayombong.

Ayon sa mga imbestigador, nagalit ang suspek na si Esmereldo Olarte III, 29 anyos matapos matamaan ng bola na nilalaro ng biktima.

Ilang beses na sinaksak ni Olarte si Buscas gamit ang improvised knife na ginagamit sa woodcraft sa loob ng piitan.

Isinugod pa sa Regional Trauma and Medical Center ang biktima ngunit binawian din ng buhay.

Read more...