P10,000 at P500 commemorative coins inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Magbebenta ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng P10,000 at P500 commemorative coins para sa ika-70 taon ng central banking sa bansa.

Maliban sa P10,000-coin na gold at P500-coin na silver, mayroon ding P500 silver commemorative coin para naman sa 25th anniversary ng BSP.

Ang gintong coin ay mabibili sa halagang P127,000.00 habang ang silver coins ay mabibili sa P3,500.

Ayon sa BSP, maaring mag-order ng commemorative coins sa pamamgitan ng pagpapadala ng email sa email addressna anniversarycoins@bsp.gov.ph hanggang sa January 15, 2020. Susundin ang “first mail-in, first listed” basis.

Kailangan lamang ilagay sa email ang sumusunod na detalye:

1) Description of order
• 70th Year of Central Banking in the Philippines Gold Coin
• 70th Year of Central Banking in the Philippines Silver Coin
• 25th Anniversary of the Bangko Sentral ng Pilipinas Silver Coin

2) Nearest BSP branch for pick-up (for the list of BSP offices, please visit the following link: https://www.bsp.gov.ph/contact/overview.asp
https://www.bsp.gov.ph/contact/regional.asp

3) Contact details (contact number and email address)

Isang commemorative coin lamang ang pwedeng bilhin ng bawat buyer.

 

Read more...