Retiradong police general patay sa ambush sa Pangasinan

Nasawi ang isang retiradong police general matapos tambangan sa Calasiao, Pangasinan, Huwebes ng hapon.

Sa ulat ng Calasiao Police, kinilala ang biktima na si Police Brig. Gen. Marlou Chan, dating hepe ng Pangasinan Police.

Sakay si Chan ng kanyang sasakyan nang tambangan ng apat na lalaking sakay ng dalawang motosiklo sa bahagi ng Brgy. Nalsiyaan.

Agad na tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Brgy. Banaoang.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa leeg, dibdib at iba pang bahagi ng katawan si Chan.

Isinugod pa ito sa Dagupan Doctors Villaflor Memorial Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Ligtas naman ang driver ni Chan na si Juanito Lozada Jr. sa insidente.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang ambush.

Read more...