Sa kanyang homiliya sa Misa para sa Itim na Nazareno, sinabi nito na dapat alalahanin na sa ilang bahagi ng mundo ay may panganib ng karahasan.
Aniya, ang lahat ay dapat umasa na hindi humantong sa digmaan ang mga karahasan.
Apela pa ni Tagle na dapat ding ipagdasal ang kaligtasan ng mga Filipino na nasa Middle East kasama na ang kanilang mga pamilya.
Samantala, nag-alay naman ng panalangin si Quiapo Church rector Monsignor Hernando Coronel para kay Tagle at ipinanawagan nito ang cardinal sa Itim na Nazareno.
Noong nakaraang Disyembre, itinalaga ng Santo Papa si Tagle bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.