Agad nilinis ng ilang street sweeper mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila City government ang mga basura na iniwan ng mga deboto sa mga kalsada na dinaanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno.
Ayon sa ilang street sweeper, nakabuntot sila kung nasaan ang andas ng Nazareno para agad maalis ang mga kalat.
Taun-taon naman anila itong ginagawa para agad maligpit kung saan nilalagay sa isang trash bag at saka kinokolekta ng mga trak ng MMDA at Manila City government.
Ilan din sa mga nagtitinda ng bottled water ay kinukuha agad ang bote pagkatapos inuman ng mga mamimili upang hindi na makalat pa.
Pinupulit din ng ilan ang mga nakikitang walang laman na bote ng tubig.