Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na samantalahin ang Energy Virtual One Stop Shop (EVOSS) Law at Energy Efficiency and Conservation Law para matiyak ang sapat na suplay ng kuryente sa panahon ng tag-init.
Kasunod ito ng pagbabala ng kagawaran na maaring magpatupad muli ng summer rotational brownouts dahil sa manipis na suplay ng kuryente.
Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Energy, itinulak nila ang dalawang batas noong 17th Congress para mapadali ang proseso kaugnay sa mga power infrastructure projects.
Dapat aniya ngayon pa lang ay naghahanda na ang DOE ng contingency measures para mabawasan kung hindi man maiiwasan ang summer brownouts.
Hinihimok din ni Gatchalian ang DOE na pag-usapan na ang brownout schedules at suriin na ang power plants para tiyakin na hindi makakadagdag sa aberya ang hindi inaasahan pagbagsak ng mga ito.