Andas ng Itim na Nazareno, nasa Concepcion Aguila Street na

Nananatiling maayos at mabilis ang pag-usad ng prusisyon ng Itim na Nazareno.

Base sa monitoring ng Quiapo Church, nasa Concepcion Aguila Street na ang Imahen ng Itim na Nazareno pasado 2:30 ng hapon.

Ito ay pang-15 sa 23 ruta ng prusisyon.

Sinabi ng Emergency Response Integration Center at Quiapo Church Command Center na posibleng bandang 8:55 ng gabi maibabalik ang imahen ng Itim na Nazareno sa simbahan.

Read more...