Bilang ng lumahok na deboto sa prusisyon ng Itim na Nazareno, nasa 2.2M

Kuha ni Jomar Piquero

Halos hindi nadagdagan ang naunang naitalang bilang ng mga deboto na nakiisa sa Traslacion ng Itim na Nazareno.

Batay sa datos ng Manila Disater Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Incident Command Post bandang 1:38 ng hapon, aabot sa 2,220,000 ang bilang ng mga deboto na lumasok sa prusisyon.

Samantala, nasa 132,000 katao naman ang nananatili sa Quiapo Church.

Habang tinatayaang nasa 6,000 ang deboto sa San Sebastian Church.

Read more...