Sa kaniyang mensahe sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno, sinabi ng pangulo na ang krus ng Panginoon ay hindi simbolo ng pagkatalo.
Sa halip, ang krus ng Panginoon at sugat na nagligtas sa atin ayon sa pangulo ay simbolo ng pagkapanalo.
Ito aniya ang makapangyarihang kahulugan ng Imahen ng Itim na Nazareno para sa mga Filipino at kasaysayan ng bansa.
Dahil dito, ayon sa pangulo, patuloy na tumitibay ang pananampalataya ng mga Filipino sa kabila ng mga pinagdaraanang problema sa buhay.
Sinabi pa nito na ang mga istorya ng himala sa nasabing mahalagang okasyon ang nagpapayabong ng religious at culture heritage sa bansa.
Hinikayat din ng pangulo ang mga Filipino na makipag-tulungan para maabot ang mas mabuting kinabukasan sa lahat ng mamamayang Filipino.