LRT-2, magpapasakay ng mga naka-paa na debotong lumahok sa Traslacion 2020

Magpapasakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng mga nakapaang deboto na nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno, araw ng Huwebes (January 9.)

Inanunsiyo ito ng Light Rail Transit Authority (LRTA) gamit ang kanilang Twitter account.

Sinabi rin ng LRTA na handang umasiste ang mga itinalagang help desk sa Cubao at Recto Station sa mga deboto at iba pang pasahero.

Magiging regular naman ang oras ng service operations ng nasabing tren.

Read more...