Manila PIO, nilinaw na hindi nabali ang krus ng Imahen ng Itim na Nazareno

Nilinaw ng Manila Public Information Office (PIO) na hindi nabali ang krus ng Imahen ng Itim na Nazareno.

ito ay matapos silang mag-post ng larawan sa kanilang Facebook account na may caption na “TINGNAN: Krus ng Imahen ng Itim na Nazareno, nabali habang pakanan ng Hidalgo.”

Ayon sa Manila PIO, “detachable and bendable” ang krus ng Poong Itim na Nazareno.

Nabigo anila ang kanilang photographer na nagpadala ng larawan na magbigay ang buong detalye sa nasabing sitwasyon.

Sinabi naman ng Manila PIO na mayroon silang natutunan sa nasabing insidente para sa mas maayos na serbisyo bilang public relations and communications arm ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Read more...