Naiwang relo sa Davao Airport na kalahating milyong piso ang halaga naisauli sa may-ari

Naibalik sa may-ari ang relo na may halagang aabot sa P500,000 matapos itong maiwan sa Davao International Airport.

Ayon kay Office for Transportation Security (OTS) Administrator Usec. Raul L. Del Rosario, nagpapasalamat siya sa Security Screening Officers na sina Fatima Cajilog, Judy Gapuzan, Liezl Laurente, Angelita Ybañez at kanilang supervisor na si Judith Lardo Gabronino dahil sa katapatan ng mga ito.

Hinanap ng OTS personnel ang pasaherong may-ari ng paper bag na may lamang Rolex watch, empty jewelry box, mobile phone at powerbank na naiwan sa domestic Final Security Screening Checkpoint ng airport.

Sa pamamagitan ng isang resibo na naiwan din sa loob ng paper bag ay natunton ang may-ari nito na si Luningning Tagalog Reyes na pasahero ng Philippine Airlines Flight Number PR 2818.

Kalaunan ay nagtungo sa paliparan ang ama ni Reyes at kinuha ang mga gamit.

Read more...