Mga debotong naasistihan ng Red Cross umabot na sa mahigit 400

Mahigit 400 na deboto na ang nabigyan ng atensyong medikal ng Philippine Red Cross.

Sa kasagagan ng Traslacion, sinabi ni Red Cross Chairman, Senator Richard Gordon, as of alas 9:00 ng umaga ay umabot na sa 423 na deboto ang nalapatan ng lunas ng Red Cross.

Sa nasabing bilang, 340 ang nagpamonitor ng blood pressure. 60 ang minor cases, 9 ang major cases na pawang nahirapang huminga at hinimatay.

Habang mayroong apat na kinailangang dalhin sa ospital.

Mayroon ding 10 na napagkalooban ng psychological first aid.

Nananatiling nakastandby ang 1,000 volunteers ng Red Cross para umasiste sa mga deboto.

Read more...