Malakanyang nakiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno

Nakiisa ang palasyo ng Malakanyang sa pagdiriwang ng mga Katolikong Filipino sa Kapistahan ng Itim na Nazareno ngayong araw.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador S. Panelo, ang taunang selebrasyon ay nagsisilbing paalala ng malalim ng relasyon ng sambayanan sa Diyos.

Oportunidad aniya ito upang lalo pang palakasin ang Kristyanismo sa bansa, pagtibayin pa spiritual awakening na kalaunan ay makatutulong upang makamit ng bansa ang kapayapaan.

Ayon kay Panelo, ngayong milyun-milyong deboto ang lumalahok sa Traslacion, ang Malakanyang ay kaisa sa pananalagin upang maging ligtas ang lahat at mapayapang matapos ang aktibidad.

Read more...