Sharon Cuneta sa anak na si KC: Huwag kang lumayo sa amin

May mahabang mensahe si Megastar Sharon Cuneta sa anak niyang si KC Concepcion.

Idinaan ng Megastar sa kaniyang Instagram account ang paglalabas ng saloobin kay KC na nag-umpisa matapos na hindi dumalo si KC sa birthday celebration ng ina sa ASAP.

Ayon kay Sharon, hindi niya alam kung nasaan ang anak at kung ano ang ginagawa nito.

Ilang taon na rin aniyang hindi niya nalalaman ng personal kung ano ang nangyayari sa buhay ng anak. Sa pakiramdam umano niya ay inilalayo ni KC ang sarili sa pamilyang nagmahal sa kaniya.

Ayon pa sa Megastar hindi rin nila nakasama si KC sa mga nagdaang mahahalagang okasyon kaya ng Pasko at Bagong Taon.

Hiling ni Sharon sa anak, bumalik na ito sa kanila.

Read more...