Sakit na tumama sa Wuhan City China maaring bagong uri ng virus – WHO

Posibleng isang bagong uri ng virus ang tumama sa mahigit 50 katao sa Wuhan City China.

Ayon sa World Health Organization, ang bagong uri ng virus ay kahalintulad ng nakamamatay na SARS at MERS na tumama na noon sa China at iba pang lugar sa mundo.

Mangangailangan pa naman ng mas komprehensibong pag-aaral ang WHO para matukoy ang eksaktong uri ng virus na nagdulot ng pnuemonia sa mga residente sa Wuhan City,

Pero ayon sa WHO, malaki ang posibilidad na bagong uri ito ng coronavirus.

Umabot na sa 59 ang naitalang kaso ng sakit sa naturang lugar na nagsimula noong Disyembre. (END.DD)

Read more...