Bilang ng mga deboto na lumalahok sa prusisyon ng Black Nazarene umabot na sa 2.3M

Umabot na sa mahigit dalawang milyong katao ang sumusunod sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Base ito sa latest na datos ng Manila Disater Risk Reduction and Management Office.

Ayon sa Manila – PIO as of 8:50 ng umaga umabot na sa 2,371,000 na katao ang lumalahok sa prusisyon.

Alas 8:40 ng umaga ay nasa bahagi ng Carlos Palanca Street ng andas ng Itim na Nazareno.

Read more...