Ayon sa Red Cross, tinatayang 200,000 ang indbidwal na lumalahok ngayon sa aktibidad.
As of alas 8:00 ng umaga, umabot na sa 328 na katao ang nabigyan ng atensyong medika ng Red Cross.
Kabilang dito ang nagpamonitor ng blood pressure na 301 kataom, minor injuries – 21 katao, at 3 ang maituturing na major cases matapos na mahimatay.
Mayroon pang dalawang pasyente na kinailangang dahil sa pinakamalapit na ospital.
Paalala ng Red Cross sa mga deboto, ang kanilang Emergency Medical Unit ay matatagpuan sa malapit sa National Museum.
Marami ring medical volunteers na naka-standby sa ruta ng Traslacion.