LOOK: Traslacion ng Itim na Nazareno sa Cagayan De Oro City umusad na rin

Libu-libong katao rin ang nakilahok sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa Cagayan De Oro City.

Maaga ring umusad ang prusisyon at napuno ng deboto ang mga lansangang dinaanan ng Traslacion.

Gaya ng naging sitwasyon sa Maynila, bantay-sarado rin ng mga tauhan ng PNP ang imahen ng Itim na Nazareno.

Maliban sa mga ‘hijos’ na nakapalibot sa imahen, ay mayroo ding barikada ng unipormadong mga pulis.

 

Read more...