Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, ang lamok nagdudulot ng Zika virus ay ang kaparehong lamok na nagdadala rin ng dengue at Chikungunya virus.
Ito and dahilan kaya’t ang kaparehong sistema rin para makontrol ang dengue at Chikungunya ang kanilang gagamitin upang mapigil ang Zika virus.
Paliwanag pa ni Dr. Lee Suy, noong 2012, nakapagtala ang DOH ng isang kaso ng Zika virus sa bansa ngunit hindi na ito nadagdagan simula noon.
Ang Zika virus ay nagdudulot ng brain damage sa mga taong maapektuhan nito.
Sa ilang mga kaso sa Latin America, ito rin ang hinihinalang sanhi ng physical at mental defects sa mga sanggol.
Payo ni Dr. Lee Suy, panatiliin ng mga mamamamayan ang malinis na kapaligiran upang hindi kumalat ang lamok sa kanilang lugar.