5 arestado sa buy-bust operation sa QC

Lima ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Quezon City.

Sa ikinasang buy-bust operation ay nakumpiska sa isang 28 anyos na lalaki ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu sa Barangay UP Campus.

Tinatayang aabot sa P34,000 ang halaga ng nakumpiskang shabu.

Samantala, sa Barangay Greater Fairview naman naaresto ang apat na suspek matapos makuhanan ng mahigit P11,000 halaga ng ilegal na droga.

Hawak na ng mga otoridad ang limang natimbog na suspek at pawang mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...