Mahigit 200 deboto naserbisyuhan na ng Red Cross

Mahigit 200 katao na ang naserbisyuhan ng Philippine Red Cross sa nagpapatuloy na Traslacion ng Itim na Nazareno.

Ayon sa Red Cross as of 4:16 ng umaga, umabot na sa 253 na indbidwal ang nabigyan ng atensyong medical.

Sa nasabing bilang, mayroong 243 ang nagpamonitor ng blood pressure at nagpakonsulta, 9 ang ginamot dahil sa minor wounds.

Mayroon ding dinala sa ospital dahil sa hypertension.

Mayroong 1,000 ambulansya ang Red Cross para sa Traslacion 2020, 51 ambulansya at mga first aid at welfare stations sa daraanan ng prusisyon.

Read more...