Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 2,500 kilometro Silangan ng Mindanao
Sa ngayon, mababa ang tyansa na maging bagyo ang LPA pero posible pang magbago ang pagtaya ayon sa weather bureau.
Posibleng pumasok sa PAR ang bagyo sa Linggo at lalapit sa kalupaan ng Visayas at Mindanao at magdadala ng mga pag-ulan.
Ngayong araw, dahil sa epekto ng northeast monsoon o Amihan asahan ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, at Quezon.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon maalinsangang panahon ang inaasahan na may posibilidad ng panandaliang mahinang pag-ulan bunsod pa rin ng Amihan.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga dadalo sa Traslacion ngayong araw na magdala ng pananggalang sa sikat ng araw at manatiling hydrated.
Dahil naman sa Easterlies, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Caraga, Davao Region, Eastern Visayas at Bicol Region.
Sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao, maalinsangang panahon ang mararanasan na may posibilidad lang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying-dagat ng:
Batanes, Babuyan at Calayan islands.