Sa pahayag ng embahada Miyerkules ng gabi, tiniyak na handa ang gobyerno para sa repatriation.
Nagbigay ang embahada ng contact information kung saan maaaring makipag-ugnayan ang mga OFW.
Pinayuhan ang mga ito na manatiling mapagmatyag, maingat at alamin ang sitwasyon sa lahat ng pagkakataon.
Una nang sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na tutungo si Labor Usec. Claro Arellano ng UAE para sa repatriation ng mga Filipino.
Ang tensyon sa Middle East ay bunsod ng pagkamatay ni top Iranian general Qasem Soleimani sa drone strikes ng US sa Baghdad airport.
Bunsod nito, nangako ang Iran na maghihiganti at kahapon lamang ay nagpakawala ng higit isang dosenang missiles sa US forces na nakabase sa Iraq.