Oras-oras na misa sa Quiapo Church nagsimula na

Nagsimula na ang oras-oras na misa sa Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church para sa Traslacion 2020.

Mula alas-3:00 ngayong madaling-araw hanggang alas-12:15 ng tanghali at alas-3:00 ng hapon hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Biyernes ang misa.

Ang misa ngayong alas-3:00 ng madaling-araw ay pinangunahan ni Rev. Fr. Fernando Carpio.

Alas-5:30 magsisimula ang Traslacion ng Poong Itim na Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

Read more...