Sahod ng kasambahay sa W. Visayas, itataas

 

Good news para sa mga kasambahay sa Western Visayas.

Inanunsyo kasi ng Department of Labor and Employment na aprubado na ng ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang bagong minimum wage rates para sa mga kasambahay sa rehiyon.

Nakasaad sa wage order na aprubado noong December 20 ng nakaraang taon, itinaas ng board ng P500 ang minimum monthly pay ng mga kasambahay.

Dahil dito, mula P2,000, naging P2,500 na ang pinakamababang buwanang sahod na maaring matanggap ng mga kasambahay sa mga lungsod at first class municipalities.

Sa ibang bayan naman, mula sa dating P1,000, magiging P1,500 na ang kanilang matatanggap.

Ayon sa officer-in-charge ng DOLE Western Visayas na si Salome Siaton, maisasa-bisa ang nasabing order 15 araw matapos itong ilathala sa mga pahayagan sa rehiyon, oras na maaprubahan na rin ito ng National Wages and Productivity Commission.

Read more...