M4.1 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-9:43 Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 98 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim itong 68 kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Malungon, Sarangani.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...