Personal na nag-inspeksyon si Mayor Isko Moreno sa Quiapo, Maynila Miyerkules ng gabi.
Ito ay ilang oras bago ang pagsisimula ng Traslacion ng Poong Itim na Nazareno.
Sa Facebook account ng alkalde, makikitang nag-ikot si Moreno para masigurong maayos ang bahagi ng Plaza Miranda.
Isa-isang kinausap ng alkalde ang ilang vendor na nahuling nagbebenta sa paligid ng Quiapo Church.
Muling pinaalalahanan ni Moreno ang mga vendor na nagpatupad ang pamahalaang lokal ng “zero vendor policy” sa January 8 at 9 para sa maayos na pagdaraos ng pista.
Bilang pakunswelo, nagbigay ang alkalde ng P6,000, P1,000 at P300 sa tatlong nahuling vendor.
Hinayaan din ng alkalde na kunin ng mga vendor ng kanilang bangketa.
MOST READ
LATEST STORIES