Mga Filipino sa Qatar, inabisuhang huwag munang bumiyahe patungong Iraq at Iran

Pinag-iingat ang mga Filipinong nananatili sa Qatar.

Sa inilabas na abiso, sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa Doha na ito ay bunsod ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Pinayuhan ang mga Filipino na manatiling kalmado at alerto sa anumang oras.

Tiniyak ng embahada na handa silang umasiste kabilang na ang pag-repatriate ng mga overseas Filipino worker (OFW) na maaaring maapektuhan ng tensyon.

Inabisuhan din ang mga Filipino sa nasabing bansa na huwag munang bumiyahe patungong Iraq at Iran dahil sa sitwasyon sa lugar.

Sa mga Filipinong nais humingi ng tulong, maaring makipag-ugnayagn sa embahada sa pamamagitan ng mga sumusunod:
– Assistance to Nationals hotline: +974 6644 6303 (WhatsApp at Viber)
– E-mail address: doha.pe@dfa.gov.ph
– Facebook: https://www.facebook.com/pages/Philippine-Embassy-Doha-Qatar (Philippine Embassy in Qatar)

Nangako naman ang embahada na patuloy nilang tututukan ang lagay ng sitwasyon sa rehiyon.

Read more...