Walang bagyo na makakaapekto sa Traslacion 2020 – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Tiniyak ng PAGASA na magiging maayos ang panahon sa kasagsagan ng taunang Traslasion sa Itim na Nazareno sa Huwebes, January 9.

Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na walang inaasahang papasok na bagyo o anumang weather disturbance sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Manipis na kaulapan lamang aniya ang umiiral sa Luzon.

Sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon at malaking bahagi ng Cordillera ay makararanas pa rin ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mahihinang pag-ulan bunsod ng Northeast Monsoon o Amihan.

Patuloy naman aniyang magiging maaliwalas ang lagay ng panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama na sa Metro Manila.

Samantala, bahagyang makakapal naman na ulap ang umiiral sa Mindanao at ilang bahagi ng Visayas bunsod ng easterlies.

Read more...