Cayetano sa pahayag ni Robredo sa drug war: “unfair and not intellectually honest”

Tinawag na “unfair and not intellectually honest” ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang naging pahayag ni Vice President Leni
Robredo tungkol sa war on drug ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Cayetano, masyadong unfair ang assessment ni Robredo dahil hindi naman sinusuportahan ng facts ang kanyang konklusyon.

Inihalimbawa ng speaker na hindi kinumpara ang dami ng huli ngayon sa dami ng drugs operations at dami ng patay sa nakaraang
administrasyon.

Kung sinasabi anya nito na palpak ang drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maaring tawagin ang nakaraang administrasyon ng ultra palpak o kapalpakan.

Kinuwestyon din ni Cayetano si Robredo sa pagpuna nito sa administrasyon dahil sa kawalan ng accurate data sa illegal drugs.

Paliwanag nito, maging ang ibang mga bansa ay walang eksaktong datos sa bilang ng drug users at puro estimates lamang.

Kung talaga anyang gustong tumulong ng bise presidente para tugunan ang laban kontra sa droga, welcome siya na dumalo sa congressional inquiry sa drug war.

Read more...