Pagkabit ng mga bagong riles sa ilang istasyon ng MRT-3, tapos na

Naikabit na ang mga bagong riles sa ilang istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa Department of Transportation MRT-3, ikinabit ang mga bagong riles mula sa istasyon ng Buendia hanggang Taft Avenue (Southbound) at mula sa istasyon ng Buendia hanggang Magallanes (Northbound).

Layon nitong maiwasan ang matagtag na biyahe ng mga pasahero sa nasabing linya ng tren na kung minsan ay sanhi ng nangyayaring aberya sa tren.

Nailagay na ang nasa 68 na piraso ng 180-meter Long-Welded Rails (LWRs) sa rail tracks ng MRT-3.

Sinimulan ito ang rail replacement activities noong November 4, 2019.

Susunod na aayusin ang mga lumang riles sa istasyon ng Magallanes hanggang Taft Avenue (Northbound).

Ginagawa ang aktibidad sa oras na walang biyahe ang tren mula 11:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling-araw.

Target na matapos ang rail replacement activities sa buwan ng Pebrero sa taong 2021.

Read more...