Isang residential area sa Pasig City, nasusunog

Sumiklab ang sunog sa isang residente area sa Pasig City, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Pasig Public Information Office (PIO), sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nasusunog ang residential area sa bahagi ng Lakeview Nagpayong Pinagbuhayan.

Sinabi pa umano ng BFP na itinaas ang sunog sa unang alarma bandang 2:53 ng hapon.

Patuloy namang inaapula ang sunog ng mga bumbero sa lugar.

Read more...