War on drugs ng administrasyon, ipinagtanggol ni Rep. Velasco

Ipinagtanggol ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang anti-drug campaign ng Duterte Administration sa harap ng pagbabatikos ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Velasco, 79% ng mga Filipino ang satisfied sa anti-drug war ng pamahalaan batay na rin sa Social Weather Station (SWS) survey.

Lumabas na mula nang ilunsad noong 2016 ang drug war ay naging mas ligtas ang mga kalsada at mas nararamdaman ng mga Filipino ang seguridad.

Sa MIMAROPA (Oriental and Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan) region kung saan kabilang ang distrito ni Velasco ay bumaba ang kaso ng illegal drugs kung saan sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay 64% ng mga barangay sa rehiyon ang naideklara nang drug-free.

Nauna rito, naging kontrobersiyal ang Marinduque pagdating sa illegal drugs matapos maaresto ng PDEA at pulisya ang dating staff at driver ni Velasco kung saan maliban sa droga ay nakumpiskahan din ng mataas na kalibre ng baril.

Si retired Supreme Court Justice Presbitero Velasco naman na tatay ng mambabatas ay una na ding isinangkot ni Sen. Leila de Lima na may koneksyon sa convicted drug lord na si German Agojo.

Sa akusasyon ni De Lima, pinagbasehan nito ang isang investigative report kung saan nakasaad na umakyat ang kaso ni Agojo sa SC at sinasabing naging backer ang dating associate justice upang ito ay mapawalang-sala pero sa huli ay nahatulan din.

Si Agojo ay isa sa mga inmates ng New Bilibid Prison na tumestigo laban kay de Lima habang si Justice Velasco ang siyang nagponente ng desisyon sa kasi ni de Lima na nagbigay daan para makulong ito.

Read more...