Water level ng Angat dam nabawasan sa magdamag

Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules (Jan. 8) ay nasa 204.28 meters ang water level ng Angat.

Mas mababa kumpara sa 204.38 meters kahapon.

Samantala nabawasan din ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 101.08 meters.

Nadagdagan naman ng bahagya ang antas ng tubig sa La Mesa dam at nasa 77.75 meters na.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Binga dam.

Habang ang iba pang mga dam sa Luzon ay pawang nabawasan.

Read more...