Mahigit isang dosenang missiles ang inilunsad sa dalawang base militar sa Iraq – Pentagon

Naglunsad ang iran ng mahigit isang dosenang missiles sa al-Asad base at sa bayan ng Erbil sa Iraq.

Kinumpirma ito ni Pentagon spokesperson Jonathan Hoffman.

Sa ngayon sinabi ni Hoffman na patuloy ang kanilang assessment sa pinsalang naidulot ng mga pag-atake.

Nagsasagawa na rin ng pulong sa White House na dinadaluhan nina U.S. Defense Secretary Esper at U.S. Secretary of State Mike Pompeo.

Dumating na rin sa White House so Mark Milley na chairman ng Joint Chiefs of Staff.

Kaugnay nito, nanawagan ang isa sa mga mambabatas na pangunahing kritiko ni Trump na si Nancy Pelosi na itigil na ng administrasyon ang mga hindi makatwirang provocations o paghahamon sa Iran.

Hindi aniya dapat mauwi sa giyera ang sitwasyon.

Read more...