Pilit na naghanap ng mga ebidensya ang Commission on Audit (COA) para idiin ang nasabing kongresista mula sa Visayas region tungkol sa kanyang Pork Barrel.
Pero bigong makakita ng butas ang COA kung kaya’t wala silang naikaso sa nasabing opisyal na kaanak din ng isang prominenteng political clan mula sa Northern Luzon.
Pati ang ilang cabinet secretaries ay tumulong din sa paghahanap ng kaso pero wala silang nakita.
Kung bakit nagpupumilit ang administrasyon na sampahan ng kaso ang mambabatas ay dalawang dahilan ang nakikita ng ating Cricket sa Kamara.
Una, si Mr. Congressman ay kaanak ng pamilyang numerong unong kalaban ng top official sa Malacanang.
At ikalawa, si Mr. Congressman ay kaalyado ng nakalipas na administrasyon at gusto ng gobyerno na may makasuhan at maipakulong din sa Kamara tulad ng kanilang ginawa sa Senado.
Ang kabiguan ng COA na makasuhan ang ilang mga kalaban ng kasalukuyang administrasyon ang siyang posibleng dahilan kaya dalawang beses na bigong mapili bilang Associate Justice ng Supreme Court si dating COA chairperson Grace Pulido Tan.
Sinabi naman ng ilang insider sa House of Representatives na bigong maging minority leader ang ating subject dahil sa pakikialam ng Malacanang.
Ayaw ng gobyerno na makapwesto ang mga kahanay sa true opposition kaya mas pinaboran nila ang grupo ng kasalukuyang minority bloc.
Pero may banta raw ang mga taga-administrasyon, tuloy ang paghahanap ng kaso sa mga taga-oposisyon samantalang tuloy din ang maliligayang araw ng mga sablay sa kasalukuyang administrasyon.
Ang kongresista na minsang tinarget ng administrasyon para ipakulong pero kinapos sila ng ebidensya ay si Cong. R….as in Romeo.