NTC inatasan ang Globe at Smart na putulin ang network services sa ilang lugar para sa Traslacion 2020

Inatasan na ng National Telecommunications Commission (NTC), ang Globe Telecom at Smart Communication na putulin ang kanilang network services sa ilang lugar para sa Traslacion 2020.

Ayon sa NTC, base sa utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting director, Police Brig. Gen. Debold Sinas, alas 11:00 ng gabi mamaya (Jan. 8) hanggang alas 12:00 ng tanghali ng Biyernes, Jan. 10 dapat gawin ang pagputol sa network service.

Ito ay kaugnay ng selebrasyon ng Feast of Black Nazarene.

Nakasaad sa NTC order na nilagdaan ni Commissioner Gamaliel Cordoba, na dapat ay walang signal sa mga lugar na tinukoy ng NCRPO para nasabing mga oras.

Inatasan din ng NTC ang Smart at Globe na makipag-ugnayan kay NTC Deputy Commissioner Delilah Deles para sa pagpapatupad ng memorandum.

Read more...